Home METRO Oil slicks namataan sa Calatagan kasunod ng paglubog ng fishing vessel

Oil slicks namataan sa Calatagan kasunod ng paglubog ng fishing vessel

496
0

MANILA, Philippines- Namataan ang oil slicks sa karagatan ng Calatagan, Batangas kung saan lumubog kamakailan ang isang fishing vessel na may dalang 70,000 litro ng marine diesel oil, iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Martes.

Ayon kay PCG District Southern Tagalog Commander Geronimo Tuvilla, ang tumagas na langis ay nakita lamang sa “offshore” o sa lugar ng insidente, matapos lumubog ang “ANITA DJ II” pitong nautical miles mula sa baybayin ng Cape Santiago noong Linggo.

Dagdag pa ni Tuvilla, wala pang nakikitang oil strandings sa mga baybayin ng lugar na kasama sa posibleng trajectory ng oil slick.

Sa ngayon, walang isinasagawang clean-up operations sa mga baybayin dahil walang oil strandings na naobserbahan.

Gayunman, pinawi ni Tuvilla ang pangamba, na sinabi na ang antas ng banta ng kamakailang oil spill ay mas mababa kumpara sa Oriental Mindoro.

Ito ay dahil magkaiba ang uri at dami ng langis sa dalawang sasakyang pandagat, paliwanag niya sa panayam sa radyo.

Nasagip ang 13 tripulante ng ANITA DJ II matapos lumubog ang kanilang bangka.

Sinabi ng PCG na ang bangka, na pag-aari ng IRMA Fishing, ay umalis sa Navotas Port patungo sa Palawan fishing grounds.

Sa mga naunang ulat, sinasabing lumubog ang ito dahil sa malakas na pag-ulan, ngunit sinabi ng coast guard na patuloy ang imbestigasyon upang kumpirmahin ang sanhi ng insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePilot implementation ng revised K-10 curriculum aarangkada sa Setyembre
Next article1 pang pulis na sangkot sa pagkamatay ni Jemboy, kinontemp ng Senado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here