Home OPINION OIL SMUGGLING SA CALABARZON  TALAMAK PA RIN 

OIL SMUGGLING SA CALABARZON  TALAMAK PA RIN 

398
0

MUKHANG tinatawanan lamang ng mga oil
smuggler sa Region 4A o CALABARZON si Sen.
Raffy Tulfo sa kanyang pagpuna sa iligal na
pagpupuslit ng produktong petrolyo sa bansa na
kung tawagin ay “paihi.”

Ang lakas naman ng loob ng mga dorobong ito na
tawanan si Tulfo gayong ang ginagawa nitong
pagpuna ay upang hindi nila matakasan ang buwis
na dapat nilang bayaran sa gobyerno.
Balik ako sa tanong ko na bakit tinatawanan ng oil
smugglers ang senador? Tanong ko, sagot ko. He!
He! He!

Kasi nga, hindi pa rin natuldukan ang “Paihi” ng
gasolina at diesel o krudo mula sa labas, hatid ng
mga barko sa port ng Batangas at Quezon na
isinasalin sa mga tanker truck sa iba’t ibang lugar sa
Calabarzon hanggang sa Bicol Region.

Kung natatandaan pa n’yo mga utol sa naganap na
consultative meeting sa Senado, halos umuusok
ang ilong ni Tulfo sa galit habang dinadaliri n’ya ang
sampung kilalang oil smugglers na ayon sa hinala
ng senador ay may mga kumikita dito!

Tama ang hinala ng butihin mambabatas. Talagang
may kumikita rito. Pero ayon sa mataas na opisyal
ng Philippine National Police sa loob ng Camp
Vicente Lim, sa Laguna ay “tamang hinala” lang daw
ang senador. He! He! He!

Ang tanong natin, sino ang mga kumikikita rito? Sabi
ng kapitbahay namin noon, ang unang pumutak siya
ang nangitlog! Gets n’yo ba mga utol? Bakit
pumalag agad itong isang kumag na opisyal na tila
umaabogado sa mga oil smuggler. Sino siya?

Attention, Region 4A Police Office director P/BGen
Carlito M. Gaces. Kung hindi mo siya
kilala, naunawaan kita dahil alam ko na hindi pa
umiinit ang puwit mo sa upuan bilang regional 0director kasi halos 2 months ka pa lamang sa assignment mo.

Ngunit kung patuloy mong ipagsasawalang-bahala
ang expose ni Tulfo tungkol sa “Paihi” na ito, para
bagang pumapayag kayo na maungusan ng inyong
tao. Kung totoo ito, sa magkano naman kaya ang
dahilan, RD?

Alam mo ba RD na P1 lang kada litro ng petrolyo
ang patong na ibinibigay ng oil smugglers sa
kanilang contact persons bilang protection money
para sa smooth sailing ng kanilang iligal na
operation sa inyong area of responsibility?

Hindi n’yo ba alam Gen. Gaces kung gaano
karaming P1 ang sinasabi kong protection money?

Halika at ibubulong ko sa’yo na mahigit 500,000
liters na petrolyo ang laman ng bawat barkong iligal
na nag-o operate d’yan galing sa ibayong dagat.

Nasa 3 hangang 4 na barko ang dumarating sa
tongki ng inyong ilong kagalang-galang na heneral
at ito ay nagaganap 2 beses sa isang linggo na kung
susumahin sa piso bawat litro ay tinitiyak ko sa inyo,
kahit ang mga anghel ni Lucifer ay matutukso rito.

Iyan ang dahilan mga utol kung bakit sa kabila nang
galit ni Tulfo sa isinagawang consultative meeting sa
Senado ay walang epekto at tila baga
pinagtatawanan lamang siya ng mga malalaking
sindikato na nasa likod ng nasabing oil smuggling.

Sa susunod na isyu, mga utol, ay huhubaran natin
ng maskara sa ispasyong ito ang mga taong
gobyerno na may mga patong sa talamak na
pagpupuslit ng langis sa bansa. Abangan!

May alam ba kayong anomalya sa gobyerno?
Tumawag o magtext lamang sa Cel. # 09982560520

Previous articleP350-M ‘ukay-ukay,’ fake goods nasabat sa Bulacan
Next articleNBI INTEL FUND, SAAN NA ANG PERA?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here