Home METRO Oil spill mula sa lumubog na Vietnamese vessel sa Palawan namataan

Oil spill mula sa lumubog na Vietnamese vessel sa Palawan namataan

MANILA, Philippines- Naiulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang oil spill matapos lumubog ang Vietnamese vessel sank sa Balabac, Palawan nitong Huwebes.

Sinabi ng PCG na karga ng Vietnamese-flagged vessel Viet Hai Star ang 29,000 litro ng automotive diesel oil at 4,000 metric tons ng bigas nang lumubog ito. Patungo ang barko sa Cagayan de Oro City.

Inihayag ng mga awtoridad na namataan ang oil sheens sa lugar nitong Huwebes, dahilan upang magsalagay ang marine environmental protection unit personnel ng PCG ng oil spill booms upang kontrolin ang pagtagas.

Samantala, inilunsad naman ng team mula sa special operations group ng PCG ang underwater inspection upang suriin ang estado ng vessel at tukuyin ang aksyon na dapat isagawa.

Hanggang alas-7 ng umaga nitong Huwebes, iniulat ng PCG na ang Viet Hai Star ay naging “fully flooded due to high tide and rough seas overnight.”

Nasa maayos na kondisyon naman ang 17 tripulante ng barko, dagdag ng PCG. RNT/SA

Previous article‘Bomber’ tiklo sa sea marshals sa Tawi-Tawi!
Next article246 LGUs pinuri ng DILG sa anti-illegal drugs drive