Home NATIONWIDE Okinawa, Japan target naman ng bagyong Mawar NATIONWIDETOP STORIESWORLD Okinawa, Japan target naman ng bagyong Mawar May 29, 2023 17:07 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Inaasahang masasapul din ng malakas na bagyong Mawar ang timog-kanlurang bahagi ng Japan na Okinawa Prefecture ngayong linggo. Sa huling impormasyon ay kumikilos ang bagyo pa-hilagang kanluran mula sa silangan ng Pilipinas sa bilis na 10 kilometro kada oras. Ayon sa Japan Meteorological Agency, taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 216 kilometro kada oras. Inaasahan na tatama ito sa Sakishima Islands sa Okinawa mula Miyerkules. Posible ang alon na may taas na limang metro sa main island ng Okinawa at pitong metro naman sa Sakishima Islands. Mararanasan naman sa isla ag mula 90 hanggang 108 kilometro kada oras na lakas ng hangin. RNT/JGC