Home SPORTS Olympic spot abot-kamay na ni Emma Malabuyo

Olympic spot abot-kamay na ni Emma Malabuyo

Pinalakas ni Emma Malabuyo ang kanyang bid para sa Olympic berth sa pamamagitan ng pagkuha ng silver medal sa floor exercise competition ng 2024 FIG World Cup Series sa Cairo.

Kumamada si Malabuyo ng 12.670 points sa final para makuha ang ikalawang puwesto sa likod ng gold medal winner na si Mana Okamura ng Japan, na nagtala ng 13.07.

Ang kaganapang ito ay ang una sa apat na kumpetisyon na nagsisilbing qualifier para sa Paris Games.

Nakakuha si Malabuyo ng 30 puntos sa pilak na medalya, na nagbigay sa kanya ng pangunguna sa Olympic Qualification Ranking List sa floor exercise.

Hindi nakatanggap ng pinakamataas na puntos si Okamura dahil qualified na ang Japan para sa Olympics.

Si Malabuyo, na nag-aaral sa Univefsity of California-Los Angeles, ay kailangang makapasok sa nangungunang dalawa sa listahan ng ranking sa pagtatapos ng mga qualifier upang makipagkumpetensya sa Paris.

Mayroon ng dalawang gymnastics entries ang bansa sa Olympics — sina Carlos Yulo at Aleah Finnegan.
Gaganapin ang mga susunod na qualifier sa Cottbus, Germany; Baku, Azerbaijan; at Doha, Qatar.

Previous articleBong Go: Gov’t Accountancy Office likhain
Next articlePagtakas ng 3 inmates walang katotohanan – SPD