MANILA, Philippines- Binaril ang administrative aide ng Office of the Ombudsman ng hindi pa nakikilalang gunman sa Quezon City nitong Miyerkules, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).
Binaril si Dianne Paguirigan, 37-anyos na administrative aide sa Office of the Deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices, na isang lalaki bandang alas-8:20 ng umaga sa corner ng Quezon Avenue at Cordillera Street sa Barangay Doña Josefa.
Naghihintay si Pagurigan ng sasakyan papasok ng opisina nang bigla na lamang barilin ng isang lalaki. Kinuha niya ang bag ng biktima at binaril ito sa kanang dibdib.
Agad namang tumakas ang suspek sa direksyon ng Quezon City Circle.
Dinala si Paguirigan sa Capitol Medical Center, kung saan kritikal ang kanyang kondisyon.
Nanawagan naman si Brig. Gen. Nicolas Torre III, QCPD chief, sa mga makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa insidente na agad na magtungo sa pinakamalapit na police station.
Nakakuha ang QCPD ng malinaw na footage na kuha ng close-circuit television camera sa lugar.
Narekober din mula sa crime scene ang dalawang cartridge cases ng hindi natukoy na kalibre, deformed fired bullet jacket, deformed fired bullet lead core, at bullet lead core fragment. RNT/SA