Home NATIONWIDE Omicron subvariant XBB.1.5 ‘di makapagpapasirit sa COVID cases – eksperto

Omicron subvariant XBB.1.5 ‘di makapagpapasirit sa COVID cases – eksperto

69
0

MANILA, Philippines- Sinabi ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante nitong Huwebes na naniniwala siyang ang katutuklas lamang sa Pilipinas na Omicron subvariant XBB.1.5 ay maaaring hindi magdulot ng pagsirit ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Solante, na nagsisilbing vice president ng Philippine College of Physicians (PCP), na posibleng mataas pa ang immunity ng mga Pilipino mula sa pagpapabakuna o pagkakasapul ng COVID-19.

“I would not expect that this XBB.1.5 will really cause a massive increase or a significant increase in the cases. I still believe that our population level of wall of immunity ay medyo mataas-taas pa,” aniya sa isang public briefing.

“If this will be the dominant variant, yes it can be, but I don’t think it will cause a spike or significant spike of increase in the cases,” dagdag niya.

Sa kabila nito, pinaalalahanan niya ang publiko na manatiling maingat dahil delikado ang vulnerable population mula sa severe o critical infections.

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Martes na natuklasan ang isang kaso ng XBB.1.5, at tatlong kaso ng CH.1.1, batay sa mga sample na sinuri ng Philippine Genome Center mula January 30 hanggang February 3.

Nakapagtala ang DOH nitong Miyerkules ng 208 bagong kaso ng virus. RNT/SA

Previous articleJapanese semiconductor firms, nangakong mamumuhunan sa Pinas
Next articlePagpapadala ng rescue team, tulong sa quake-hit Syria, sinisilip ng PH gov’t