One Champ star Brandon Vera, may sakit

One Champ star Brandon Vera, may sakit

June 29, 2020 @ 12:19 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Inaasahan na tuluyan nang magreretiro sa mixed martial arts si Fil-Am Brandon Vera dahil sa iniindang nerve damage sa dalawang braso.

Matatandaang isiniwalat ni dating Ultimate Fight Championship (UFC) at One Championship fighter Brandon Vera na matagal na niyang iniinda ang nerve damage sa kanyang mga braso pero nagagawa pa rin niyang lumaban at manalo.

Ayon sa 42-anyos na mixed martial arts fighter, nakuha nito ang injury sa kanang braso noong ito ay nasa Air Force noong 1999 na agad naman umanong naoperahan.

Idinagdag pa nito na nakuha naman nito ang nerve injury sa kaliwang braso sa isang combat sport.

Mas madalas umano niyang ginagamit ang kanyang mga paa sa laban para hindi masyadong maramdaman ang sakit na iniinda sa kanyang mga braso.

Isiniwalat din nitong may nararamdaman siyang hindi maganda tuwing lumalaban o sumusuntok subalit tinitiis niya ito.   Rico Navarro

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...