MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga motorista na sisimula na Biyernes ng gabi, Agosto 4, ang weeklong emergency repairs sa EDSA.
Ayon sa ahensya, isasagawa ang asphalt overlay at reblocking sa 15 lugar sa EDSA mula alas-10 ng gabi ng Agosto 4 hanggang alas-5 ng umaga sa Agosto 9, sinabi naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) earlier said.
“I hope that the weather will continue improving para makapag-repair naman kami ng mga potholes caused by yung inundation ngayon, lalong-lalo na sa mga main highways natin,” ani DPWH Secretary Manuel Bonoan.
“Sisimulan na namin mamayang gabi ang pagkukumpuni ng mga potholes natin. Ready naman yung mga maintenance crew at saka quick response teams namin. Tuloy naman, kaya lang ‘pag umuulan, hindi naman kami makapag-patch…hindi naman puwede mag-asphalt [overlay] ‘pag umuulan,” pagpapatuloy niya sa panayam ng TeleRadyo.
Ani Bonoan, target ng DPWH ang “more permanent solution” sa mga sira-sirang bahagi ng EDSA sa susunod na taon.
“Para hindi yung every weekend nagre-reblocking, under our engineering ways and technologies that are now available, lane by lane puwede nating gawin…and magagamit na after a few days,” pagbabahagi pa ng opisyal.
Nauna nang nagbabala ang MMDA sa mga motorista na iwasan ang EDSA o mag-MRT na lamang mula Agosto 4 hanggang 9 dahil sa mga repair.
Apektado ng repair ang mga sumusunod na lugar:
– Fronting Hurom / Philam Homes
– Before Benitez St. (after Trinoma)
– HQ BBM (near Octoboy)
– DDT Skytower (Centris Station) – Albano
– Before Guadalupe Bridge (whole length)
– Rockwell Footbridge – Kalayaan (whole length)
– Footbridge before Trinoma – front Landmark
– Quezon City 2nd DEO Office – Centris
– Corinthians – after AFP
– Before MMDA (Sunshine Media Marketing)
– Guadalupe MRT – Guadalupe Bridge
– Footbridge Trinoma – SM North
– Front SM North and Nice Hotel – Muñoz footbridge
– Fronting Ricoa – Avida Towers
– Before Floor Central and Wilcon. RNT/JGC