Home NATIONWIDE Online driver’s license application ikakasa ng LTO

Online driver’s license application ikakasa ng LTO

MANILA, Philippines – Sisimulan na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbubukas nito ng kanilang online system para payagan ang mga motorista na mag-apply ng driver’s license nang hindi na kailangang pumunta sa opisina ng LTO para makaiwas na rin sa paglaganap ng mga fixer.

Inamin ni LTO chief Vigor Mendoza II na hindi pa nareresolba ng ahensya ang mga problema nito sa mga fixer o mga taong nag-aalok para mas madaling makakuha ng driver’s license, kapalit ng pera.

Noong Pebrero, inihayag ng LTO na ang pag-renew ng pagpaparehistro ng sasakyang de-motor ay maaaring gawin na online sa pamamagitan ng Land Transportation Management System (LTMS) ng ahensya.

Kung ang mga detalye ng sasakyan at pagpaparehistro ng isang tao ay nasa LTMS na, magagamit nila ang online portal upang i-renew ang kanilang pagpaparehistro.

Ang mga hindi pa nakakagawa ng account sa online portal, gayunpaman, ay kailangang bumisita sa alinmang LTO district office at humingi ng tulong.

Tungkol naman sa mga lisensya sa pagmamaneho, sinabi ni Mendoza na ang LTO ay magtuturo din ng aplikasyon nang virtual at ipapahatid sa pamamagitan ng courier service.

“Ang next na gagawin natin diyan ang driver’s license naman. We will implement an online procedure para hindi na kailangan pumunta ng LTO. Then we could send the license via courier na lang po, parang passport,” aniya pa.

Hinikayat din ni Mendoza ang publiko na direktang i-report ang mga fixer sa website at hotline ng LTO, partikular ang mismong mga empleyado ng LTO. RNT

Previous articleCrim stude patay sa hazing sa QC
Next articlePondo ng DICT dagdagan panlaban sa hackers