Home NATIONWIDE Online training bilang paghahanda sa BSKE 2023 inilunsad ng PNP

Online training bilang paghahanda sa BSKE 2023 inilunsad ng PNP

MANILA, Philippines- Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules ang online training para sa mga tauhan sa pagbabantay sa 2023 barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Sinabi ng PNP na maa-access ang online training sa Police Open Academy (POA) portal simula August 29.

“The success of the 2023 Synchronized BSKE Training is a collective effort. Each participant’s commitment to the program will contribute to a more efficient and secure electoral process,” pahayag ni PNP chief Police General Benjamin Acorda.

Base sa PNP, sasanayin sa online training ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) members at uniformed personnel sa election duties.

Inatasan ang Office and Unit Commanders, Regional Directors of Police Regional Offices (PROs), at iba pang key personnel sa pangangasiwa sa training, compliance, at coordination, base sa PNP. RNT/SA

Previous articleBatikang kolumnista dinampot ng NBI
Next article3 durugista laglag sa P200K shabu sa Malabon buy bust