Home METRO Opensiba vs IS gunmen sa Lanao mas tumitindi

Opensiba vs IS gunmen sa Lanao mas tumitindi

MANILA, Philippines – Mas tumindi pa ang mga opensiba ng pamahalaan laban sa mga miyembro ng Islamic State-linked Dawlah Islamiyah (DI) group sa Lanao del Norte.

Ito ay kasunod ng utos ng regional Army command na tugisin at paigtingin pa ang opensiba laban sa mga rebelde.

Ang utos ni Major General Gabriel Viray III, commander ng Army 1st Infantry Division, ay kasunod ng mga sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at terorista na kumikilos ngayon sa border communities ng Lanao del Norte at Lanao del Sur.

Ani Viray, ang Army ay “dedicated to protecting the community and will persist in its efforts to counteract threats to regional stability.”

Nitong Huwebes, Pebrero 22, tatlong DI gunmen ang napatay sa bakbakan sa pagitan ng mga sundalo ng 44th Infantry Battalion sa barangay Matampay, Munai, Lanao del Norte.

Sinabi ni Col. Billy dela Rosa, deputy commander ng Army 103rd Infantry Brigade, na nagsimula ang engkwentro alas-5 ng hapon.

Tatlong sundalo ang sugatan sa bakbakan at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital sa Iligan City at Camp Evangelista station hospital sa Cagayan de Oro City. RNT/JGC

Previous articleUN diplomats nagpahayag ng suporta sa Ukraine
Next articleInjectable gluta ‘di aprubado ng FDA – DOH