Home METRO Operasyon ng MRT3 naantala sa usok sa bagon

Operasyon ng MRT3 naantala sa usok sa bagon

MANILA, Philippines – Pansamantalang naantala ang operasyon ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT3) matapos na maitala ang usok mula sa isa sa mga bagon nito.

Ang insidente ay nangyari 6:30 ng umaga, na naka-apekto sa southbound train.

Ilang sandali makalipas umalis ng Kamuning Station, inanunsyo ng operator ng tren sa pamamagitan ng public address system na mayroong pumindot ng emergency button.

Sa susunod na istasyon, pinababa ang mga pasahero upang inspeksyunin ang tren.

Ayon sa ulat, naitala ang usok sa isa sa mga bagon ng tren, bagama’t wala namang naitalang sunog.

Kalaunan ay pinasakay na muli ang mga pasahero at nagpatuloy ang operasyon ng MRT-3. RNT/JGC

Previous article9 suspected NPAs patay sa sagupaan sa Bukidnon
Next articleDerek, humirit ng ‘blow’ kay Ellen!