Home METRO Operasyon ng power generation plants sa Albay, normal – Malakanyang

Operasyon ng power generation plants sa Albay, normal – Malakanyang

MANILA, Philippines- Nananatiling normal ang operasyon ng mga power generation plant sa lalawigan ng  Albay.

Sinabi ng Presidential Communications Office, (PCO), wala namang problemang naiulat pa sa ngayon sa Albay kung pag-uusapan ang power supply.

Sa katunayan aniya ay normal ang operasyon ng Tiwi Geothermal plant at ang Bac-man geothermal power plant.

Base sa tinatanggap na ulat ng PCO mula sa Department of Energy (DoE) ay maayos din ang power distribution sa probinsiya.

Sa kabila ng nagkaroon ng power interruption sa Anislag Elementary school na ginagamit na evacuation center, kaagad naman aniyang  naibalik ang suplay ng  kuryente.

Nabatid na “busted transformer” ang sanhi ng brown out dahil sa overloading.

Samantala, maliban dito ay wala na namang nireport pang insidente ng brown out sa ibang bahagi ng lalawigan. Kris Jose

Previous articleMas modernisadong BOC, asahan sa loob ng 2 taon – exec
Next article3 kalsada sa NCR, maaapektuhan ng repair – MMDA