Home NATIONWIDE ‘Oplan Pag-abot Program’ paiigtingin ng DSWD

‘Oplan Pag-abot Program’ paiigtingin ng DSWD

MANILA, Philippines- Nakipagpulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) members nitong Martes upang paigitngin ang street rescue efforts sa ilalim ng “Oplan Pag-Abot” program, partikular pagsapit ng “ber” months.

Sa inter-agency meeting na pinangasiwaan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, hiniling niya ng buong suporta ng konseho na palaksin ang reach-out operations, prtikular sa indigenous peoples (IPs) na palaboy-laboy sa daan, na maaaring maging biktima ng human trafficking.

“In two weeks time, start na ng ber months and you know what happens during ber months. The IPs also come to Metro Manila. Our brothers and sisters from the indigenous communities come to Manila because we believe on data from our consultation the other day na may mga masasamang loob that is trafficking them to Metro Manila in a syndicated team effort,” ani Gatchalian.

“I hope that this scene never happens again. So this early, we are planning in advance,” dagdag niya.

Iprinisinta rin ni Gatchalian ang features ng Oplan Pag-Abot Program sa nasabing pulong, kabilang ang rights-based approach na titiyak na patuloy na tatalima ang reach-out procedure continues sa  human rights protocols.

Nagsasagawa rin ang social workers ng biometrics registration ng mga pamilya at binibigyan sila ng identification cards bilang bahagi ng protocols ng programa.

“We are the ones reaching out. We put them in our facilities and then we bring them home to their respective home province with the needed economic support,” paliwanag ng DSWD chief.

“Apart from that, whenever we get an individual in street situations, we get their biometrics and we give them their own IDs,” dagdag niya.

Sinimulan ng DSWD ang full implementation ng Oplan Pag-Abot sa Metro Manila noog Hulyo.

Sa pamamagitan ng reach-out operations at probisyon ng iba’t ibang probisyon,  nilalayon ng programa na tanggalin ang “risks ang vulnerabilities” ng mga bata, indibidwal, at mga pamilya na naninirahan sa mga lansangan. RNT/SA

Previous articleDiokno: Malaking problema nakaamba ‘pag binalewala MUP pension reform
Next article₱3.9M shabu nasamsam sa 2 HVI