Home NATIONWIDE Oral argument sa pag-upo ni Guanzon bilang partylist rep. muling tinalakay ng...

Oral argument sa pag-upo ni Guanzon bilang partylist rep. muling tinalakay ng SC

MANILA, Philippines- Itinuloy Supreme Court ang oral argument kaugnay sa petisyon ng Duterte Youth Party-list na kumukwestiyon sa pag-upo ni dating Comelec Commissioner Maria Rowena Guanzon bilang first nominee ng P3PWD party-list sa pamamagitan ng substitution method.

Iginigiit ng Duterte Youth na isinumite ng P3PWD party-list ang kanilang mga dokumento matapos ang substitution deadline na isang malinaw umano na paglabag sa Party-List Systems Act, Anti Graft Law at RA 6713.

Sa idinaos na oral argument kahapon isinalang sa interpelasyon ang abogado ng mga petitioner na si Atty. Edward Gialogo.

Ipinunto ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa na kahit may inilabas na temporary restraining order (TRO), hindi pa rin mapipigilan si Guanzon na maging miyembro ng House of Representatives.

Sumang-ayon naman si Gialogo sa mga pahayag ni Caguioa.

Magugunita na noong 2022 ay naglabas ang SC ng a temporary restraining order para mapigilan pansamantala ang pag-upo ni Guanzon bilang party-list representative sa pamamagitan ng substitution method.

Pinag-aaralan ng SC ang Comelec resolution na pumayag kay Guanzon na maging 1st nominee ng party-list P3PWD na nakakuha ng isang seat sa nakalipas na May elections. Teresa Tavares

Previous articlePBBM sa muling pagkandidato ni VP Sara: ‘She’s testing the waters’
Next articlePanukalang pagbabawal sa chemical weapons pinagtibay ng Kamara