Home NATIONWIDE Order sa paggamit ng biofertilizers, dinipensahan ng DA

Order sa paggamit ng biofertilizers, dinipensahan ng DA

348
0

MANILA, Philippines- Panahon na para gumamit ang mga magsasakang Pilipino ng biofertilizers dahil napag-iiwanan na ang bansa sa mas mabisa at mas murang farming input, ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes.

“We have been talking about biofertilizers, we have been talking about balance fertilization for the last 30 years but hindi natin ginagawa on a massive scale,” pahayag ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian sa isang panayam.

Sinabi niya na hindi na nakaalis ang bansa sa demonstration stage, habang ang Vietnam, Thailand, at Malaysia, na natutunan ang teknolohiya sa bansa, ay umaani na ng mga benepisyo.

“Since the fertility of our rice lands is also going down, it’s now time that we start promoting these kinds of technologies,” dagdag ni Sebastian.

Ipinalabas ng DA ang Memorandum Order 32 na nagtatakda ng guidelines sa distribusyon at paggamit ng biofertilizers.

Subalit, nagbabala ang Agricultural group Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) laban dito, at sinabing maaari itong magresulta sa panibagong fertilizer scam. 

Sinabi ni SINAG chairperson Rosendo So na “the basis for MO 32 is flawed from the onset as the cost of urea is now only ₱1,100 per bag. At two bags per hectare, the cost of urea is only ₱2,200 per hectare, contrary to the claim of MO 32 of ₱4,000 per hectare.”

“DA’s official bidding price of urea is in fact, only at ₱1,230 per bag; at two bags per hectare, it is only ₱2,460. Again, way below the false information of ₱4,000 per hectare. Thus, there is no real savings, as claimed by MO 32,” dagdag niya.

Ayon kay Sebastian, ang kalkulasyon kalakip ng order aty para lamang sa “illustration purposes.”

Subalit, mataas pa rin ang presyo ng urea, na pumapalo sa ₱1,500 kada bag hanggang ₱1,900 kada bag, aniya.

Nagkakahalaga lamang ang biofertilizers ng ₱500 hanggang ₱5,000 kada bag depende sa  brand at teknolohiya nito, ayon sa DA official.

Sinabi ni Sebastian na nakalatag sa guidelines ang mga rekisitos para sa biofertilizer suppliers para matiyak ang matagumpay na implementasyon ng programa. RNT/SA

Previous articleSuplay ng bigas, sapat kahit sa ‘lean months’ – DA
Next articleWalang cap sa motorcycle taxis – PCC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here