Home NATIONWIDE Ordinansa ng QC na mag-oobliga ng calorie count sa mga kainan, suportado...

Ordinansa ng QC na mag-oobliga ng calorie count sa mga kainan, suportado ng DOH

MANILA, Philippines – Suportado ng Department of Health (DOH) ang ordinansa ng Quezon City na nag-aatas sa mga restaurant na maglagay ng calorie counts sa kanilang mga menu.

Sinabi ng DOH na ang naturang panuntunan ay makakatulong sa publiko na maging informed at malusog sa mga pagkain na kanilang kinokunsomo.

Naipasa na ng Quezon City council ang ordinansa na naghihimok sa mga kainan, fast food chain at iba pang establisymento na nag-ooperate sa lungsod na maglagay ng bilang ng calories sa bawat serving ng pagkain na nakalista sa kanilang menu.

Hinihintay na lamang ang pirma ni Mayor Joy Belmonte para maging opisyal na maipatutupad ang ordinansa.

“The DOH supports the ordinance of the Quezon City local government that requires restaurants to display the number of calories that their food contains. This will enable Filipinos to make informed and healthy choices on what to eat,” sinabi ng DOH sa isang pahayag.

“The Department encourages Filipinos to eat a balanced, well-moderated, and varied diet. Limit processed foods and foods that are high in calories. Opt for healthier choices, partnered with sufficient physical activity,” idinagdag ng ahensya.

Pinaalalahanan ng DOH ang publiko na ang labis na calorie ay maaaring magdulot ng obesity, na mauuwi sa mga non-communicable diseas tulad ng atake sa puso, stroke at diabetes.

Sa Kamara, inihain ang panukalang batas noong 2020 upang isulong ang healthy diets sa pag-aatas sa mga restaurant na magdagdag ng impormasyon sa nutrisyon sa kanilang mga menu o menu board. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article6 miyembro ng termite gang arestado sa Maynila
Next article453 kaso ng whooping cough naitala ngayong 2024 – DOH