Home NATIONWIDE ‘Ordinary hacker’ pinaghihinalaang nasa likod ng Facebook account breach ng PCG

‘Ordinary hacker’ pinaghihinalaang nasa likod ng Facebook account breach ng PCG

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na pinaghihinalaang ordinaryong hacker ang nasa likod ng pagsira sa Facebook page nito kamakailan.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, wala pang matibay na pinanghahawakan kung sino ang maaaring gumawa kung sa ngayon ay puro video clips ang nilalagay sa page.

“Sa tingin namin isang ordinaryong nagha-hack lang ito at napagtuunan lang yung Facebook page ng Philippine Coast Guard,” ayon kay Balilo.

Binigyan diin ni Balilo na hindi pa narerekober ng ahensya ang kanilang social media accounts.

Ayon pa kay Balilo, mas maganda na hintayin ang ginagawang imbestigasyon at umaasa na matutukoy kung sino ang gumagawa nito sa PCG.

Sa ngayon, ang PCG ay nag-install ng mga parameter upang protektahan ang mga account nito upang maiwasan ang mga paglabag sa hinaharap. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMister nag-birthday sa kulungan sa pagtutulak ng droga
Next articleComelec kailangan ng critical cooperation ng BARMM sa paggamit ng bagong poll machine