Home ENTERTAINMENT Orig na Sang’gres, nag-reunion sa Showtime!

Orig na Sang’gres, nag-reunion sa Showtime!

Manila, Philippines- Hindi pinalampas ni Diana Zubiri ang pagkakataong magsama-sama silang mga Sang’gres sa fantasy serye ng GMA na Encantadia nitong November 7.

Ang mga Sang’gres ay binubuo nina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle at Diana.

Eighteen years ago ipinalabas sa GMA.

Ang kanilang reunion ay para sa inihanda nilang production number sa Magpasikat marking It’s Showtime’s 14th anniversary.

Huling nagkasama ang apat na aktres sa Mystified sa Iflix noong 2019.

Matatandaang nagpasyang manirahan ni Diana sa Adelaide, Australia kasama ang asawa’t tatlong anak noong October 2021.

Ito’y dahil na rin sa pananalasa ng global health crisis.

Umuwi lang si Diana sa bansa nang hindi nagdadalawang-isip para sa partisipasyon nilang apat sa Showtime.

‘Yun nga lang, hindi nila suot ang kanilang original costume sa Encantadia.

But to achieve an authentic look ay kakulay ng mga original costumes nila ang kanilang isinuot.

Ang Magpasikat ay contest among Showtime hosts.

Last year’s biggest winner was Ryan Bang’s group for which nanalo sila ng jackpot prize.

For this year, nauna nang mag-present ng kanilang production number sina Vhong Navarro, Teddy Corpuz at Jugs.

Binigyang pugay nila ang mga yumaong komedyante using AI or artificial intelligence in their transformation.

Ang panauhin nilang si Nova Villa ay hindi napigilang maging emosyonal dahil nakatrabaho raw niyang lahat ang featured comedians sa bansa lalung-lalo na raw si Dolphy. Ronnie Carrasco III

Previous article40 Pinoy mula Gaza nasa Egypt na
Next articleLee Seunggi, iba pang K-drama/K-Pop stars tampok sa ‘Ma’am Chief’