MANILA, Philippines – Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek sa pagpatay sa radio broadcaster na si Cresenciano “Cris” Bundoquin sa Oriental Mindoro.
Inihain ng NBI ang warrant laban kay Isabelo Bautista Jr dahil sa kasong pagpatay at tangkang pagpatay kaugnay ng pamamaril sa broadcast journalist.
Ibinaba ang warrant ni Oriental Mindoro Regional Trial Court Branch 39 Judge Josephine Caranzo.
Muli namang iginiit ni Bautista na Siya ay inosente .
“The appropriate Return of the Warrant of Arrest is already prepared and will be transmitted to the court in the soonest possible time,” sabi ng Department of Justice .
Sinabi rin ng DOJ na hiniling ng Media Freedom Coalition Philippines na mag-imbestiga ang NBI.
Si Bautista ay sumuko sa NBI-National Capital Region noong Hunyo at itinanggi ang kanyang papel sa pagpatay kay Bundoquin sa Calapan City.
Ayon sa Police Regional Office (PRO) MIMAROPA, binaril ng isa sa dalawang suspek na sakay ng motorsiklo si Bunduquin sa harap ng isang sari-sari store noong Mayo 31.
Agad na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang 50-anyos na biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.
Sinabi ng awtoridad n kaulanan ay natukoy si Bautista bilang gunman habang ang kanyang kasabwat , na si Narciso Guntan ay nasawi matapos madisgrasya habang tumataas sa crime scene. Jocelyn Tabangcura-Domenden