KILALA na ang “gunman” sa pagpaslang kay Oriental Mindoro radio commentator Cresenciano “Cris” Bundoquin.
Ito ang inihayag ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).
“The manhunt for Bundoquin’s killer continues,” ayon kay Undersecretary Paul Gutierrez, executive director ng PTFoMS.
Tumanggi naman ito na kilalanin ang suspek.
“The pace of the investigation is proving to be satisfactory thus far and we are confident that the gunman, already identified, would very soon be apprehended,” ayon kay Gutierrez sa isang kalatas.
Nauna rito, nakipagpulong si Gutierrez kay Police Regional Office in Mimaropa director Brig. Gen. Joel Doria at Oriental Mindoro police director Samuel Delorino.
Ipinarating ni Gutierrez ang kautusan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na tiyakin na ang “airtight case” suportado ng “solid evidence” ay ihahain laban sa mga taong nasa likod ng pagpaslang kay Bundoquin.
Sinabi nito na ang agarang aksyon sa kaso ni Bundoquin ay nagpapahiwatig ng matinding hangarin ng pamahalaan na lutasin ang krimen laban sa mga miyembro ng media.
“What our justice secretary wants to happen in this instance is that all possible motives and angles should be investigated and that, based on solid evidence, all those involved in the attack on Bundoquin should be identified and prosecuted,” ani Gutierrez.
“The clear message we want to send is that the government gives serious attention to the life, security, and liberty of all members of the press,” dagdag na wika nito.
Sinabi ni Gutierrez na ang ballistics report at ang cross-matching ng bala na narecover mula sa crime scene ay ipalalabas sa Hunyo 7.
Sa ulat, pinaslang ang local radio broadcaster na si Cris Bundoquin Miyerkules ng madaling araw ng dalawang armadong kalalakihan na sakay ng motorsiklo sa Barangay Sta. Isabel, Calapan City.
Pinaslang ang local radio broadcaster na ni Cris Bundoquin Miyerkules ng madaling araw ng dalawang armadong kalalakihan na sakay ng motorsiklo sa Barangay Sta. Isabel, Calapan City.
Samantala, sinabi ni Gutierrez na ang P50,000 reward na inalok ng isang concerned individual na tumangging isapubliko ang pangalan ay mananatili , layon na makatulong na maresolba ang kaso. Kris Jose