Home METRO OrMin niyanig ng M-4.7 quake

OrMin niyanig ng M-4.7 quake

93
0

MANILA, Philippines- Tumama ang 4.7 magnitude na lindol sa Victoria, Oriental Mindoro nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol dakong alas-7:02 ng gabi. Tectonic ito at may 4 kilometer depth of focus.

Base sa earthquake information ng ahensya, naramdaman ang Intensity III sa Victoria, Oriental Mindoro.

Gayundin, naiulat ang Intensity II sa Abra De Ilog at Calintaan sa Occidental Mindoro, at sa Bansud, City of Calapan, Naujan, at San Teodoro sa Oriental Mindoro.

Naitala ang Intensity I sa Baco, Puerto Galera, at Socorro sa Oriental Mindoro.

Iniulat naman ng Phivolcs ang sumusununod na instrumental intensities:

  • Intensity III — Victoria, Oriental Mindoro

  • Intensity II — Puerto Galera, Oriental Mindoro

  • Intensity I — Boac, Marinduque, at  Abra De Ilog, Occidental Mindoro

Sinabi ni Phivolcs’ Science research assistant Roschele Ablan na bagama’t inaasahan nila ang pinsala mula sa lindol, wala namang naiuulat pa sa kasalukuyan.

Sinabi ng ahensya na walang inaasahang aftershocks. RNT/SA

Previous articleDOH: Kalalakihan mayorya ng leptospiros cases ngayong 2023
Next articlePagtapyas sa taripa sa rice imports, tinatalakay na – Diokno

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here