Home METRO ‘Osang’, 2 pa nadakma sa Navotas buy bust

‘Osang’, 2 pa nadakma sa Navotas buy bust

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng tatlong tulak ng ilegal na droga, kabilang ang dalawang bebot matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na dakong alas-2:15 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Genere Sanchez sa buy bust operation sa Badeo 4 St., Brgy. San Roque, si Rosanna Garcia alyas “Osang”, 37, (pusher/listed) ng Marikit St., Brgy. Tanza-1.

PSSg Eldefonso Torio, nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 4.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P30,600 at buy bust money na isang tunay na P1,000 bill, kasama ang 8-pirasong P1,000 boodle money.

Bandang ala-1:15 naman ng madaling araw nang maaresto ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa A. Dela Cruz St., Brgy. San Roque sina alyas “Baldo”, 48, (pusher/ listed), 48 at alyas “Analyn”, 29, kapwa ng Brgy. Tangos North.

Nakuha sa kanila ang nasa 4.20 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P28,560 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

Sinabi ni Cpt. Sanchez na nag-ugat ang pagkakadakip sa tatlong tulak makaraang magpositibo sa isinagawa nilang validation ang ibinunyag sa kanila ng isang Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa ilegal drug activities ng mga suspek.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Boysan Buenaventura)

Previous article7 utas sa banggaan
Next articlePresyo ng bigas ‘di dapat lalagpas ng P48 kada kilo – DA