Home NATIONWIDE OSG kumilos na rin para maresolba ang problema sa WPS

OSG kumilos na rin para maresolba ang problema sa WPS

MANILA, Philippines – Nagsimula na ang Office of the Solicitor General (OSG) na magsagawa ng malaliman na pag-aaral para sa mga legal options na maaring ikonsidera ng Philippine government hinggil sa usapin sa China kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea.

Kinumpirma ni Solicitor General Menardo Guevarra na nasa fact-finding at data gathering stage na ang OSG bago magtungo sa pagsusuri sa merito ng kada isang legal option maaring magamit ng Pilipinas kabilang ang paghahain ng complaint damages sa international tribunal.

”Eventually we shall evaluate the merits of each and every legal option, including the possible filing of a complaint for damages before an international tribunal with proper jurisdiction, such as the Permanent Court of Arbitration at The Hague,” ani Guevarra sa text message sa mga reporter.

Aniya, kinakailangan maging maingat ang isinasagawang pag-aaral dahil sa posibleng epekto nito sa pang matagalan na relasyon sa China.

“We are doing this study with utmost care and circumspection because of the potential impact of any state action on our long-term national interest,” dagdag ng OSG.

Magugunita na iniulat ng AFP Western Command ang nadiskubre na pagkakalbo ng mga bahura sa Rozul Reef matapos lisanin ito ng Chinese militia vessels. Teresa Tavares

Previous articlePH insurgency magwawakas na ngayong 2023 – Defense official
Next article18 sa 20 LEDAC bills OK na sa Kamara