Home NATIONWIDE OSG muling iginiit na ICC ‘di kailangan ng Pinas

OSG muling iginiit na ICC ‘di kailangan ng Pinas

MANILA, Philippines – Sapat na ang mga institutsyon sa bansa para imbestigahan at litisin ang mga lumabag sa bansa.

Ito ang iginiit ni Solicitor General Menardo Guevarra kasabay ng pagtiyak sa mga kaanak ng mga biktima umano ng war on drugs ng dating administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabi ni Guevarra na hindi kailangan ng Pilipinas ang International Criminal Court (ICC) dahil handa naman ang ang institusyon at mga ahensya upang kasuhan ang mga lumabag sa batas.

Ang pahayag ng OSG ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Marcos na hindi nito kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC sa Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo na ang presensya ng ICC sa bansa ay maituturing na banta sa soberenya.

Binigyan-diin ni Guevarra na walang maaasahan na tulong ang ICC king ipipilit nito na magsagawa ng imbestigasyon.

Magugunita na 2018 ng kumalas ang Pilipinas bilang partido sa Rome Statute na siyang nagtatag ng ICC. Teresa Tavares

Previous articleSeth, may kopya ng SS ng convo nina Daniel at Andrea!
Next articleResbak motibo sa pagratrat sa barangay hall