Home SPORTS OVERALL TITLE AMOY NA NG BAGUIO

OVERALL TITLE AMOY NA NG BAGUIO

MANILA, Philippines – UMARYA ang Baguio sa inaasam nitong pagsungkit sa ikaapat nitong sunod na overall title mula sa mahigpit na labanan kontra Cebu at Pasig sa pinakahuling araw ng Batang Pinoy National Championships na isinasagawa sa iba’t-ibang lugar sa Kamaynilaan.

Humakot ng 15 gintong medalya ang Summer Capital of the Philippines mula sa archery, taekwondo at judo nitong Huwebes upang iwanan ang umakyat sa ikalawang puwesto na City of Pasig at ang dumausdos na dating kampeon na City of Cebu sa ikatlong puwesto.

Apat na gintong medalya ang idinagdag ng 14-anyos na estudyante ng Baguio City National High School at nasa ikalawa nitong BP na si Chass Mhaiven Nawew Colas sa pagwawagi nito sa Male 15-under 30-meter, 40-meter, 60-meter recurve, at 1440-round recurve at isang pilak sa 50m. .

“Masaya naman ako and hopefully madagdagan pa mamaya kasi may events pa ako (Olympic Round, Mixed team event, and team events) and sana madagdagan pa mamaya,” sabi nito.

Nag-ambag ang Poomsae ng pitong gintong ginto mula kina Kate Julliane Cortez sa Individual Cadet Female, Caleb Angelo Calde sa Individual Cadet Male, sina Acey Kiana Oglayon sa Individual Junior Female, Jaidev Nicolas Montalbo Marcus Jared Maquiray, at Ryan Cliftin Nabejet sa Team Male Cadet.

Wagi din sina Angel Lyn Yvainne Dacanay at Caleb Angelo Calde sa Mixed Pair Cadet, sina Aesha Kiaa Oglayon at Jonas Sales sa Mixedf Pair Junior at swina Angelyn Yvainne Dacanay, Kate Julliane Cortez, at Trisha Lobbonan sa Poomsae Team Female Cadet upang iangat ang City of Pines sa 32 ginto, 25 pilak at 40 tanso.

Naagaw naman ng Pasig ang ikalawang puwesto sa paghaltak sa kabuuang 25 ginto, 27 pilak at 33 tanso mula sa ikaapat na puwesto habang inihulog nito ang Cebu sa 20 ginto, 15 pilak at 21 tanso sa ikatlong puwesto at ang Davao City sa ikaapat na silya na may 20-14-16 (ginto-pilak-tanso).

Sinandigan ng Pasig ang swimming at archery sa paghakot ng 10 gintong medalya sa tulong nina Arabella Taguinota sa Girls 13-14 100m breastroke, Morie Pabalan sa Boys 16-17 100m breastroke, sina Charles Ezekiel Canlas, Marcelino Picaral II, Jefferson Sbularse, Arvin Taguinota sa Boys 12 & under 200m freestyle relay at Gabriel Medenilla, Antonio Joaquin Medenilla, Antonio Reyes at Miguel Martinez sa Boys 13-17 200m freestyle relay.

Sumandig naman ang City of Davao para kumapit sa ikaapat na puwesto sa kabuuang 20 ginto, 14 pilak at 16 tanso tampok ang iniambag ni Daphne Manuelle Magdangal Uyking sa humakot ng 4 ginto at 1 pilak sa Archery 13 Under Qualification Round – Recurve Under 13 Female 20 meters (349), sa 25m (327) at sa Qualifying round (239 puntos).

Habang isinusulat ito ay hindi pa nakukumpleto ang lahat ng resulta ng kabuuang 25 pinaglabanang sports.

Samantala’y nakapagwagi na si Adrian Taguinota ng kabuuang anim na gintong medalya gayundin si Micaela Jasmine Mojdeh sa swimming competition na kapwa may natitirang isang event sa swimming para sa posibilidad na mapantayan ang pitong gintong medalya na nasungkit ni Karl Jahrel Eldrew Yulo sa gymnastics.

Nakadalawang ginto matapos magwagi sa aerobics gymnastics national developmental category si Jethro Inigo Odtohan ng Pasig City sa iskor na 12.350 sa Individual Men bago nakipagpareha kay Chairmane Joy Cortez sa Mixed Pair.

Wagi naman sa Individual Women si John Mikhaela Ladaran ng General Santos City sa iskor na 14.300 habang iniuwi ng Bulacan ang ginto sa Trio mula kina Mhayca Bitoin, Prince Gian Cruz at Ivan James San Pedro habang ang aero dance ay nakamit ng Taguig.JC

Previous articleMiyembro ng Cirilo Criminal Group, timbog sa boga
Next articleSEAG kata queen Alforte tinibag si Torres sa finals sa PNG