MANILA, Philippines – Inanunsyo ng ng Department of Transportation nitong Biyernes, Pebrero 3 na nakumpleto na ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ang overhauling sa 72 bagon ng kanilang tren.
Sa Facebook post, sinabi ng DOTR na:
“All 72 LRVs passed a series of quality and system checks to ensure the train sets are restored in good condition and safe for commercial use.”
Dahil dito, inaasahan ang pagtaas sa passenger capacity sa 18 hanggang 20 train sets na papatakbuhin tuwing peak hours.
Dagdag pa, mapaiikli rin ang waiting time sa mga tren ng hanggang apat na minuto mula sa dating interval na 9.5 minutes.
Maliban dito ay tinaasan din ang bilis ng tren mula sa 25 hanggang 30 kilometro kada oras ng hanggang 60 kph, na magpapababa sa travel time mula North Avenue hanggang Taft Avenue Stations ng 45 minutes mula sa dating 1 hour and 15 minutes.
“Now that we have completed the overhaul of the 72 LRVs of the MRT3, we expect more passengers to patronize the rail line, especially during rush hours,” sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista.
Bago ang overhaul, mayroong 10 hanggang 15 tren ang napaaandar. RNT/JGC