Home NATIONWIDE Overseas Pinoy prayoridad sa pag-isyu ng voter’s ID

Overseas Pinoy prayoridad sa pag-isyu ng voter’s ID

MANILA, Philippines- Nakatakdang talakayin ng Commission on Elections (Comelec) ang muling paglalabas ng voters’ identification cards sa mga Pilipino sa ibang bansa sa Miyerkules, ayon sa chairman nitong si George Garcia.

“Kami po ay mag-uusap ngayong darating na Miyerkules sapagkat gusto muna natin, kung magbabalik tayo ng voters’ ID, sa ating kababayang abroad muna kasi hindi sila ganoon karami,” pahayag ni Garcia sa isang panayam.

“Sa susunod, tsaka tayo magpapa-issue ng mga voters’ ID para sa ating mga kababayan dito naman sa Pilipinas, of course, depende sa budget na mabibigay sa atin ng Kongreso,” dagdag niya.

Nagsimula ang voter registration ngayong Lunes na gugulong hanggang September 30, 2024.

Magsasagawa lahat ng Comelec offices ng aktibidad upang ipagdiwang ang National Voter’s Day upang isulong ang voter registration awareness.

Nasa tatlong milyong Pilipino ang inaasahang magpaparehistro sa buong bansa.

Upang maabot ang bilang na ito, nakipagtulungan ang Comelec sa ilang mall owners at operators para mag-host ng Register Anywhere Project (RAP) sa halos 170 malls sa buong bansa. RNT/SA

Previous articleUS air assets maghahatid ng tulong sa Davao de Oro landslide victims – AFP
Next articlePH passport ika-78 sa 2024 global ranking – advisory firm