Home NATIONWIDE OWWA nagbabala vs fake social media accounts na nag-aalok ng pautang

OWWA nagbabala vs fake social media accounts na nag-aalok ng pautang

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa publiko kaugnay sa dalawang pekeng social media accounts na sangkot umano sa loan lending scams at nag-aalok ng mga serbisyong hindi naman totoo.

Ayon sa OWWA, ang naturang mga Facebook accounts na nagngangalang “Owwa Rish Mendoza” at “Katelyn Ching” ay hindi umano konektado sa ahensya.

“May mga account na gumagamit ng opisyal na larawan ng OWWA para makahikayat sa ating mga Kababayan patungkol sa loan lending scam,” saad sa pahayag ng OWWA.

Dagdag pa ng ahensya, hindi rin konektado sa OWWA ang dalawa pang account na nasa regional at central office levels.

“Tandaan Kabayaan, ang mga account na ito ay WALANG KAUGNAYAN sa OWWA, kahit sa REGIONAL o CENTRAL OFFICE,”

Hinimok ng OWWA ang publiko na isumbong ang mga pekeng account sa kanilang email na [email protected], mobile number/Viber 639175805720, at landline 632 (8)551-6638. RNT/JGC

Previous articleGrupo sa likod ng pro-Cha-cha ad sa mga telebisyon, lumantad na
Next article3M bagong botante target ng Comelec sa 2025 polls