Home METRO P.3M shabu nasabat sa dalawang tulak sa Navotas

P.3M shabu nasabat sa dalawang tulak sa Navotas

NASA mahigit P.3 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng pulisya sa isinagawang buy bust operation kung saan dalawang tulak ng ilegal na droga ang nadakip sa Navotas City, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina Marlon De Chavez, 28, (Pusher/Listed at Top 10 Regional Priority Data Base on Illegal Drugs), ng Bagong Silang St., Brgy. San Jose at Jay-Ar Gloria, 37 ng Blk 33 Lot 28 Phase II Area 2 Brgy., NBBs Dagat-Dagatan.

Sa report ni Col. Cortes kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Genere Sanchez ng buy busy operation sa Matang Baka St., Brgy. Dagat-Dagatan matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa illegal drug activities ni De Chavez.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay De Chavez ng P3,000 halaga ng shabu at nang tanggapin niya ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga opetatiba, kasama si Gloria dakong alas-3:50 ng medaling araw.

Ayon kay PSSg Eldefonso Laroya Torio, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 56 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P380,800.00, at buy bust money na isang P1,000 bill, kasama ang dalawang P1,000 boodle money.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isasampa ng pulisya laban sa mga suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Boysan Buenaventura)

Previous article84,300 indibidwal bumisita sa LNMB
Next articleHappiest Christmas in SM City CDO Uptown