AABOT sa P600,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska ng mga pulis sa magtiyahin sa isinagawang anti criminality operation ng mga awtoridad sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City nitong Sabado ng gabi.
Kinilala ni PLTCOL May Genio hepe ng Quezon City Police Station 14 Holy Spirit ang mga nadakip na sina Raymund Jumilla, 39, binata, walang trabaho, residente ng Sarmiento Compound 2, Himlayan Road, Brgy. Pasong Tamo, at tiyahin nito na si Isabel Resultay, 56, dalaga at residente sa Sarmiento Compound, Himalayan Road, Brgy. Pasong Tamo, QC .
Ayon kay Pat. Jesus Sumalinog Jr., imbestigador nadakip ang mga suspek sa kahabaan ng Sarmiento Compound Himlayan Road, Brgy. Pasong Tamo, QC dakong 10:25 ng gabi May 20, 2023 (Sabado).
Sinabi ni Sumalinog na nakumpiska mula sa mga suspek ang limang (5) piraso ng bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot ng plastic, apat na piraso ng medium plastic ziplock na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may 80 grams na nakabalot ng plastic at may kabuuang tinatayang nasa 5000 grams at may street value na P600,000 halaga, isang piraso ng Digital weighing scale.
Advertisement