Home ENTERTAINMENT P.A. ni Belo, inutusan sa Paris, bumili ng cake!

P.A. ni Belo, inutusan sa Paris, bumili ng cake!

Manila, Philippines – If you want to find out what it’s like to work for Dra. Vicki Belo, eat your heart out!

Wala na yatang kasingsuwerte ang magtrabaho sa celebrity doctor if only for the perks she lavishes her staff with.

Sa latest vlog ng mag-asawang Vicki at Hayden Kho, nai-feature nila ang kanilang dalawang staff.

Sila sina Marife na 27 years nang nasa empleyo ni Vicki bilang makeup artist.

Ang isa nama’y si Millet na 15 taon nang personal assistant ng doktora.

Chance to travel around the world, ‘ika n’yo?

Both Marife and Millet have practically been to countries na ni sa hinagap ay hindi nila naiimadying mararating.

Mostly raw ay kinakaray sila ni Vicki sa mga fashion events.

Gumanda rin siyempre ang buhay nina Marife at Millet.

Nakapagpundar sila ng sariling sasakyan.

Marife has bought herself a condo unit.

Napag-aral naman ni Millet ang kanyang anak.

When not with Vicki to travel, bumibiyahe rin daw sila na mag-isa.

‘Yun ay kung may ipinabibili si Vicki sa mga bansang pupuntahan nila.

Natatandaan pa ni Marife na bumiyahe siya patungong Los Angeles, USA nang balikan.

That was before the lockdown due to the pandemic.

Naaalala rin ni Millet na nang minsang nagke-crave ang amo sa Jean Paul-Hevin cake ay pinatakbo niya ito sa Paris, France.

So, what can you say about that?

Hindi ba’t ubod nang suwerte ang maglingkod kay Vicki?

Wait, there’s more…

Towards the end of the vlog interview ay nagpa-games pa si Vicki kina Marife at Millet.

Ang makahula ng tamang sagot ay nagwagi ng datung!

2,000 euros o katumbas ng P123k lang naman ang napanalunan nina Marife at Millet!

Now, wouldn’t you wish to apply for a job at Vicki’s household? Ronnie Carrasco III

Previous articleRonaldo, may iniwang note bago pumanaw!
Next articleHouse and lot na nagkakahalaga ng P3.6M pababa, exempted sa VAT – BIR