Home NATIONWIDE P1.1M cash ibinalik sa pamilya ng mga nasawi sa Negros road accident

P1.1M cash ibinalik sa pamilya ng mga nasawi sa Negros road accident

MANILA, Philippines – Ibinalik ng mga awtoridad ang mahigit P1.135 milyong halaga ng cash sa pamilya ng mga biktima ng trak na nahulog sa bangin sa Barangay Bulwang, Mabinay, Negros Oriental.

Kumitil ito sa buhay ng 15 pasahero ng trak.

Ayon kay Lt. Stephen Polinar, spokesperson ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO), nitong Huwebes, Pebrero 22, narekober ng pulisya ang mga pera mula sa mga nasawing biktima matapos na makuha ang katawan nito na nagkalat ng ilalim ng bangin.

“We are grateful that no one touched the money of these people, who were all livestock buyers en route to Barangay Dawis in Bayawan City, passing through Mabinay, for a ‘tabo’ or flea market to buy pigs, cattle, and other live animals,” ani Polinar.

Sa listahan ng mga nasawi na inilabas ng NOPPO ay ipinakita na magkakamag-anak ang mga biktima.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Ireneo Magos, 37; Fe Decipolo; Rolindo Decipolo Sr., 63; Jemboy Egoogan; Rolindo Decipolo, 29; Marlon Solidad, 46; Rex Decipolo, 33; Rene Magos, 46; Allan Flores, 36; Allen Pocong, 44; Remond Llenes, 29; Roy Magos, 29; Leo Soreño, 43; Jacob Labrador, 28; at Almar Egoogan, 26; lahat ay residente ng La Libertad.

Ang mga survivor na nasa ospital pa ay kinilalang sina Antonio Toreno y Boganotan, drayber ng trak, at si Jovanni Flores y Timtim.

Samantala, nasa funeral parlor na sa La Libertad ang katawan ng mga nasawi at ibibigay na sa kani-kanilang pamilya. RNT/JGC

Previous article33 float lumahok sa Panagbenga flower float parade
Next articleLecture sa dietary management sa iba’t ibang sakit idinaos sa Kamara