P1.2M halaga ng makinarya tinanggap ng koop sa Agusan Norte mula DAR

P1.2M halaga ng makinarya tinanggap ng koop sa Agusan Norte mula DAR

July 1, 2020 @ 4:37 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Tuloy-tuloy ang ayuda na ipinamamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga magsasaka sa kabila ng coronavirus disease.

Sa katunayan, nasa 105 samahan ng mga magsasaka na miyembro ng Avanceña Beneficiaries and Farmers Multi-Purpose Cooperative (ABFMPC) ng Barangay Sanghan, Cabadbaran City, Agusan del Norte ang inayudahan ng traktora na nagkakahalaga ng P1.2-milyon.

Ayon kay DAR Agusan del Norte provincial agrarian reform program officer II Andre Atega, ang ABFMPC ay isang agrarian reform beneficiaries organization (ARBO) na tinutulungan ng DAR at isa sa matagumpay na kooperatiba sa lugar.

Sinabi ni Artega na ang pagkakaloob ng farm equipment ay bahagi ng  Climate Resilient Farm Productivity Support Project (CRFPSP) ng DAR.

Ang ayuda ay tugon ng ahensya  sa mga peligro ng pagbabago ng klima sa mga agrarian reform community (ARC) at ito ay ayon sa mga probisyon ng Republic Act 9729 o ang Climate Change Act.

Sa ilalim ng programa, kasama sa mga interbensyon ng DAR sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) ay pagbibigay kaalaman sa mga magsasaka sa mga gawain na dapat nilang makasanayan mapagaan at ang pagkakaloob ng mga kagamitan sa sakahan at makinarya na naglalayong madagdagan ang kanilang kita at magbuo ng kahusayan upang tugunan ang pagbabago-bago ng klima.

Ipinagmalaki ni ABFMPC Chair Sergio Baguhin na ang farm equipment na ipinagkaloob sa kooperatiba ay isang four-wheeled-drive na may 35 HP traktor na may kasama isang rotary tiller at trailer.

“Makakatulong ito sa aming kooperativa lalo na ang mga miyembro na nagsasagawa ng pagtatanim ng palay. Ang pagkakaloob ng traktora ay tamang-tama lamang dahil nararamdaman na ng mga magsasaka ang epekto sa kabuhayan ng Covid-19 sa kani-kanilang mga pamilya,” sinabi ni Baguhin.

Dagdag pa ni Baguhin na dahil sa pakikipag-ugnayan mga miyembro ng kooperativa sa mga opisyal at kawani ng DAR, ang kanilang apela tungkol sa kawalan ng kagamitan sa bukid ay madaling natupad.

Kaugnay nito sinabi ni ABFMPC Vice Chair Constancio Dalanon na ang  farm equipment  ay pakikinabangan hindi lamang ng mga ARB at mga hindi-ARB na mga miyembro ng kooperatiba kung hindi pati na rin ng mga pamilyang naninirahan sa labas ng komunidad ng repormang agraryo.

Ang dalawa opisyales ng  ABFMPC ay nagpapasalamat sa pagsisikap ng ahensya sa pagbibigay ng mga kagamitan sa pagsasaka sa panahong ito ng may pandemya kung saan ang mga magsasaka ay higit na naapektuhan.

Itinatag noong Abril 17, 1992, ang ABFMPC ay may kabuuang 105 na kasapi. Pitumpung (70) porsyento ng miyembro ang nagtatanim ng  palay at 30 porsiyento ang nasa upland farming na kasalukuyang nagsisilbi sa iba pang mga barangay sa lugar sa pamamagitan ng kanilang mga programa, kasama na ang pagpapautang ng palay, pangangalakal ng palay, paggiling ng bigas, at ang pagkakaloob ng mga kagamitan sa paggawa ng bukid at pasilidad na matapos ang pag-aani. Santi Celario

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...