Home METRO P1.2M iligal na paputok nakumpiska sa Calabarzon

P1.2M iligal na paputok nakumpiska sa Calabarzon

(Kuha ni Danny Querubin)

MANILA, Philippines – HUMIGIT kumulang halagang P1.2 milyong halaga ng bawal na paputok nakumpiska sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Calabarzon sa isinagawang 198 police operations.

TIGNAN: Winasak ng kapulisan ang mga nakumpiskang iligal na paputok sa Camp Caringal. Pinangunahan ito ni QCPD District Director Red Maranan kasama ang iba pang opisyal nitong Sabado, Disyembre 30. (Kuha ni Danny Querubin)

Sa isinagawang press briefing, pinasasalamatan ni PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng PRO4 Calabarzon ang mga Provincial Police Office sa Calabarzon na doble ang ginagawang efforts laban sa ilegal na paputok, partikular ang illegal trade, manufacture, and possession of illegal firecrackers, at pyrotechnic devices.

Ang pinakamalaking nakumpiskang mga ipinagbabawal na paputok na nagkakahalaga ng P1 milyon sa Barangay Tambulong Tanauan City, Batangas noong nakalipas na November 30, 2023. Ellen Apostol

Previous articleIll-gotten wealth evidence tinanggap ng Sandiganbayan
Next articleMabilis na Marawi recovery iniatas ni PBBM