P1.3M droga huli sa mag-live in sa Taytay

P1.3M droga huli sa mag-live in sa Taytay

June 29, 2020 @ 3:12 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang suspek makaraang ikinasa ang drug buiy bust operation kahapon ng hapon sa Taytay, Rizal.

Kinilala ni Rizal Provincial Police Office, Police Col. Renato S. Alba,  ang mga naarestong suspek na sina na sina Lea Hernandez, 27-anyos, live-in partner, ng Brgy., San Juan Taytay Rizal at Joemarie Luciano, 27-anyos, binata ng Fllodway, Maybunga Pasig City.

Sa ulat na nakarating kay Col. Alba, linggo bandang alas-3:30 ng hapon nagkasanib puwersa ang Taytay Municipal Police Station at Provincial Intelligence Unit sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency nang isinagawa ang drug buy bust operation sa Brgy., San Juan na nagresulta ng pagkaaresto ng dalawang suspek.

Nakuha sa mga suspek ang isang katamtamang laki ng transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline na sangkap sa paggawa ng shabu, 5 piraso na selyadong maliliit na plastic sachet na pinaghinalaang shabu na nagkahalaga ng P1,312,000.00 dalawang piraso na tig P1,000 bill na marked money at karagdagang 10 piraso na tig P100 bill.

Ang mga suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o mas kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang ang mga nakumpiska ay dinala na sa Rizal Provincial crime Laboratory para sa kaukulang eksaminasyon. Toto Nabaja

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...