Home METRO P1.3M shabu nasamsam

P1.3M shabu nasamsam

ZAMBOANGA DEL SUR- Umabot sa P1.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation, iniulat nitong Huwebes sa lalawigan ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Alijina Bangon Edris, 49-anyos, at Ansano Omar Madki, 39, pawang residente ng Tugaya, Lanao del Sur.

Batay sa report ng Aurora Municipal Police Station, nadakip ang mga suspek noong Miyerkules sa Purok Sta. Maria Barangay Poblacion, Aurora.

Nakuha sa mga suspek ang 200 gramo ng shabu na aabot sa halagang P1.3 milyon.

Ayon sa pulisya, nadakip ang mga kasabwat ng mga suspek ng mga tauhan ng Pagadian City Police Office at Zamboanga del Sur PPO sa sunod-sunod na operasyon na nagresulta din sa pagkakadakip kina Edris at Madki.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek na kilalang sangkot sa droga sa kanilang lugar at mga kalapit na bayan. Mary Anne Sapico

Previous articleBatang lalaki nalitson sa kandila
Next articleMandatory face mask ‘di kailangan sa gitna ng pertussis outbreak sa QC – opisyal