Home METRO P1.4-M droga nasukol sa 3 durugista sa GenSan

P1.4-M droga nasukol sa 3 durugista sa GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Binuwag ng pulisya ang isang drug syndicate na kumikilos sa lungsod na ito at Sarangani kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong hinihinalang miyembro sa buy-bust operation sa Barangay Bula dito noong Nobyembre 7.

Sinabi ni Police Brig. Gen. Jimili Macaraeg, Police Regional Office-12 director, kinilala ang mga suspek na sina Norhan Maulana, 35; Benjamin Unos, 47, at Noel Amenita, 47, residente ng Kiamba, Sarangani.

Nakuha sa kanila ng Regional Police Drug Enforcement Unit ang 210 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.4 milyon.

Sinabi ni Macaraeg na ang mga suspek ay kabilang sa isang gang na kumukuha ng shabu mula sa Maguindanao at ipinamamahagi ang mga ito sa lungsod na ito at Sarangani.

Ang mga suspek ay isinailalim sa surveillance sa loob ng isang buwan kasunod ng intelligence reports ng kanilang mga aktibidad sa ilegal na droga. Nahaharap ang mga suspek sa kasong may kinalaman sa droga. RNT

Previous articleAgham Road sa QC
Next articleBuCor: 1K correction officers, wanted!