BUTUAN CITY- Nasamsam ng mga pulis ang 29,314.10 board feet ng undocumented lumber na nagkakahalaga ng P1.4 milyon sa pinaigting na kampanya laban sa illegal logging sa Surigao del Sur at Agusan del Sur.
Sinabi ni Police Regional Office-13 Director Police Brig. Gen. Pablo G. Labra II na nagresulta ang all-out forest protection drive mula May 15 hanggang 21 sa pagkakaaresto ng isang suspek na kasalukuyang nahaharap sa kasong may kinalaman sa Presidential Decree 705 o ang Forestry Code of the Philippines.
Inihayag ni Labra na naging posible ito sa pakikipagtulungan sa local police, Department of Environment and Natural Resources (DENR), at sa komunidad.
Sinabi ng PRO-13 Regional Operations Division na nakumpiska ng Surigao del Sur Police Provincial Office (PPO) ang 5,239.66 board feet ng undocumented lumber na nagkakahalaga ng P822,003 habang naharang ng Agusan del Sur PPO ang 23,272.85 board feet ng illegally cut logs na tinatayang nagkakahalaga ng P551,487.
Advertisement
Advertisement