Home METRO P1.5M kush nasamsam ng BOC

P1.5M kush nasamsam ng BOC

MANILA, Philippines- Tinatayang nasa P1.5 milyon halaga ng High-Grade Kush Marijuana ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark.

Ayon sa BOC, isang shipment na idineklara bilang “Baby Walker” ang dumating noong Hunyo 10, 2024, ay na-hold at agad na isinailalim sa x-ray scanning at K9 sniffing. Parehong isinasaad ng dalawang inspeksyon ang posibleng pagkakaroon ng ilegal na droga.

Sa isinagawang pagsusuri, natuklasan ng BOC ang mga jog bag na naglalaman ng mga tuyong dahon na hinihinalang high-grade na marijuana, o “kush.” Kinuha ang mga sample at itinurn-over sa PDEA para sa chemical laboratory analysis, na nagkumpirma na ang nasabing substance ay marijuana na isang mapanganib na gamot sa ilalim ng R.A. Blg. 9165.

Dahil dito, isang Warrant of Seizure and Detention ang inisyu ni District Collector Erastus Sandino B. Austria laban sa nasabing shipment dahil sa paglabag sa Sections 118 (g), 119 (d), at 1113 par. f, I, at l (3 at 4) ng R.A. 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), na may kaugnayan sa R.A. No. 9165.

“The BOC will remain vigilant and continue to strengthen border security, in line with President Ferdinand Marcos Jr.’s directives and Department of Finance Secretary Ralph G. Recto’s mandate to protect public welfare,” ani BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio. JAY Reyes