Home NATIONWIDE P1.6-M pekeng hygiene product nasamsam ng NBI

P1.6-M pekeng hygiene product nasamsam ng NBI

168
0

MANILA, Philippines – Nakumpiska ng National Bureau of Investigation ang P1.6 milyon halaga ng mga pekeng personal care products sa isinagawang operasyon sa isang warehouse sa Parañaque City at isang mall sa Maynila.

Sa kanilang operasyon, nakuha nila ang maraming kahon ng mga pekeng shampoo, lotion, at pabango na katulad ng mga orihinal na produkto.

“Kaya maraming naloloko dahil sa appearance lang, texture at amoy, akala mo talaga tunay. Yung mga kababayan natin na after sa mura, ito ang nabibili. Di nila alam naloloko na sila,” ani NBI-NCR Regional Director Rommel Vallejo.

Nagbabala ang NBI sa publiko laban sa pagbili ng mga pekeng personal care products.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 8293, o Intellectual Property Code ang mga nagbebenta ng mga pekeng produkto, habang agad namang sisirain ang mga item para maiwasang maipalibot sa publiko. RNT

Previous articlePBBM nagtatag ng bagong DOTr, DMW officials
Next article2 Nigerian kulong sa P6-M heroin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here