MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa higit P1.6 milyon halaga ng High Grade Marijuana o Kush Marijuana ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark makaraang tangkain itong ipuslit papasok ng bansa noong Mayo 5, 2023.
Ayon sa BOC, isinailalim sa physical examination ang isang kargamento na idineklara na naglalaman ng “cooking articles illegible” makaraang magkaroon ng indikasyon sa pagkakaroon ng iligal na droga sa isinagawang x-ray at K9 sniffing.
Dahil dito, nabuking ang nasa 1,028 gramo ng High Grade Marijuana o Kush Marijuana na nagkakahalaga ng P1,696,200.00.
“The examination led to the discovery of two vacuum-sealed transparent plastic sheets containing dried leaves, buds, and fruiting tops. Samples were taken to the PDEA for chemical laboratory analysis, which were later identified as Tetrahydrocannabinol/Marijuana, a dangerous drug under Republic Act (RA) No. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” saad ng BOC.
Isang Warrant of Seizure and Detention ang ibibigay laban sa kargamento dahil sa paglabag sa Seksyon 118 (g), 119 (d), at 1113 par. (f), (I), at (l)-(3) at (4) ng Customs Modernization and Tariff Act na may kaugnayan sa RA No. 9165. JAY Reyes