Home METRO P1.9-M shabu nasabat sa Iloilo City

P1.9-M shabu nasabat sa Iloilo City

ILOILO CITY – Nasabat ng mga pulis ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.9 milyon mula sa limang tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Iloilo River Plains Subdivision, Barangay Lanit, Jaro District, nitong lungsod, nitong Lunes, Pebrero 12.

Sinabi ng Regional Drug Enforcement Unit-6 ng Police Regional Office-6 na nahuli ang mga suspek na sina Joemarie, Rufino, Jhon, Elner, at Antonio matapos magbenta ng shabu sa isang undercover na pulis.

Narekober sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002 ang labing pitong sachet ng shabu.

Pinuri ng PRO-6 ang operating unit para sa isang mahusay na trabaho.

Sinabi ni Villaflor na walang susuko sa kampanya ng iligal na droga sa Western Visayas hangga’t siya ang nangungunang pulis. RNT

Previous articlePinas sumangguni na sa Japan sa hoax bomb threats
Next articleBoy ‘shut up’ na sa hiwalayang Bea at Dom!