P1.92-M shabu timbog sa 20-anyos sa Bacolod

P1.92-M shabu timbog sa 20-anyos sa Bacolod

March 17, 2020 @ 6:42 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Bacolod City – Timbog ang 20-anyos na lalaki matapos mahulihan ng P1.92 milyong halaga ng hinihinalang shabu ng operatiba ng Bacolod City Police Office sa ikinasang buy-bust operation.

 

Nasakote ng operatiba ng Police Station 2 ang 240 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.92 milyon sa CityVille Subdivision, sa Barangay Estefania bandang alas-7:30 ng gabi nitong Linggo, Marso 15.

 

Arestado ang suspek na kinilalang si Mark Sy, 20-anyos, residente ng Purok Masagana, Barangay 6 na nahulihan ng 10 malalaking transparent sachet at limang platic ice wrapper na naglalaman ng shabu.

 

Nasamsam din ang P1,000 bills na marked money, P1,500 cash, drug paraphernalia, at improvised .357-caliber revolver.

 

Ayon kay Maj. Sherlock Gabana, chief of Police Station 2, na nag-ooperate sa nasabing barangay ang suspek at ito na umano ang ikatlong operasyon na ikinasa laban sa kanya. Bago ito ay minanmanan ng isang buwan ang suspek.

 

“We did not expect that he is possessing such big volume (of shabu),” ani Gabana. RNT

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...