MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes, Abril 20 na nakapagbigay na sila ng nasa P1.9 milyon halaga ng cash rewards sa mga confidential informants na nagbigay ng impormasyon sa pagkakaaresto sa 12 most wanted persons sa bansa.
Ang awarding ay nangyari sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City noong Abril 18, kung saan mismong si PNP director for intelligence Maj. Gen. Benjamin Acorda ang nag-abot ng insentibo sa mga informant.
“These claimants provided vital information that led to the arrest of 12 fugitives from justice listed as most wanted persons and were wanted for heinous crimes such as murder, rape, and multiple attempted murder, and had outstanding warrants for their arrest,” ani Acorda.
Sa ilalim ng PNP Reward Program, binibigyan ng monetary rewards ang mga indibidwal na tumulong upang matagumpay na maaresto ang mga most wanted person.
Hinimok naman ni Acorda ang publiko na patuloy na suportahan ang pulisya sa pagbibigay ng mga impormasyon upang maaresto ang mga kriminal at wanted persons. RNT/JGC