Home METRO P1 provisional fare hike para sa PUJs umarangkada na

P1 provisional fare hike para sa PUJs umarangkada na

MANILA, Philippines- Umiral na ang provisional P1 dagdag sa jeepney fares nitong Linggo, subalit hindi pa makapaningil ng mas mataas na pamasahe ang ilang driver sa mga pasahero.

Sa P1 increase, umabot na ang minimum fare sa traditional jeeps sa P13, habang P15 naman sa modern jeeps.

Subalit, P12 pa rin ang singil ng ilang traditional jeep drivers sa mga pasahero.

“Di pa naman kami nakakuha ng taripa,” paliwanag ng driver. “Kailangan makakuha pa para kung may magreklamo pa, at least may mapakita kami na inaprubahan ng LTFRB yung piso.”

Subalit, ipinaliwanag ng LTFRB na dahil provisional ang dagdag-pasahe, makapaniningil ang mga driver ng karagdagang P1 kahit walang fare matrix.

Sa halip na matrix, maaaring gamitin ng mga driver ang kopya ng LTFRB order.

Samantala, ikinatuwa naman ng transport group Pasang Masda ang P1 fare increase.

“Doon sa P11 pagtataas ng petrolyo ay nalulugi ang ating mga hanap-buhay, ang driver natin na mga P500 plus. Gayunpaman, nakabawi-bawi na tayo kaysa doon sa wala pa ‘yung pisong ito,” pahayag ni Pasang Masda President Obet Martin.

Magsasagawa ng hearings ang LTFRB sa main petition na P5 dagdag-pasahe sa November 24. RNT/SA

Previous articleF2F classes sa ilang lugar suspendido ngayong Lunes, Oct. 9, 2023 sa vog
Next articleIlang Pinoy sa Israel nawawala, posibleng bihag ng Hamas – FilCom leader