Home METRO P10.8M puslit na yosi buking sa Pagadian City

P10.8M puslit na yosi buking sa Pagadian City

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur- Nasabat ng mga awtoridad ang halos 190 master cases ng kontrabandong sigarilyo sa na may tinatayang market value na P10.8 milyon sa Yllana Bay area sa Pagadian City nitong Biyernes.

Inihayag ni Maj. Benzar Mukarram, Zamboanga del Sur maritime police chief, nakatanggap umano sila ng ulat mula sa mga lokal hinggil sa transportasyon ng mga puslit na sigarilyo sakay ng isang motorized banca.

Agad na rumesponde ang local maritime police at naabutan ang banca kung saan naaresto ang anim na kalalakihan na nagpakilalang mga residente ng Zamboanga City, subalit hindi nagsalita nang tanungin kung saan nagmula ang mga sigarilyo at saan ang destinasyon ng mga ito.

Kasalukuyang nasa Zamboanga del Sur Maritime Police Station ang mga nadakip na kalalakihan, kasama ang mga puslit na sigarilyo at ang motorized banca, at iteturn-over sa Bureau of Customs, ayon kay Mukarram.

Maghahain din ng reklamong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act o Republic Act No. 10863 laban sa anim na kalalakihan, dagdag niya. RNT/SA