Home NATIONWIDE P10.9M premyo sa Lotto 6/42 nasolo

P10.9M premyo sa Lotto 6/42 nasolo

MANILA, Philippines- Nasungkit ng isang mananaya ang jackpot prize na halos P11 milyon sa Lotto 6/42 habang mailap pa rin ang top prize sa Ultra Lotto 6/58 na pumalo na sa mahigit P144 milyon.

Napanalunan ng maswerteng mananaya ang P10,990,641.60 na may kombinasyong 22-17-01-29-11-16.

Gayundin, hindi pa natatamaan ang Super Lotto 6/49 jackpot na nagkakahalaga ng P15,840,000, sa pinakabagong lumabas na kombinasyong 23-02-05-40-26-33.

Sa Ultra Lotto 6/58, ang masuswerteng numero ay 43-08-32-01-10-42. RNT/SA

Previous articlePH intel services nakatutok sa external threats – PBBM
Next article‘Solicited bidding’ sinisilip ng DOTr para sa pagsasapribado ng EDSA busway