Home HOME BANNER STORY P100 dagdag sa minimum wage, aprub sa Senado

P100 dagdag sa minimum wage, aprub sa Senado

MANILA, Philippines – Inaprubahan nitong Lunes sa ikatlo at huling pagbasa ang sariling bersiyon nito ang pagtataas sa P100 ang halaga ng minimum wage sa private sector  kahit tinututulan ng ilang grupo ng negosyante at Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa naganap na plenaryo nitong Lunes, inaprubahan ng Senado ang  Senate Bill 2534  or “An Act Providing for a 100 Pesos Daily Minimum Wage Increase for Employees and Workers in the Private Sector” na umani ng 20 affirmative votes, zero negative votes, at zero abstention.

Produkto ang naturang panukala ng ilang bills na naglalayong itaas ang minimum wage kabilang ang bersiyon ni   Senate President Juan Miguel Zubiri ‘ na gustong magkaroon ng P150 across the board increase sa minimum salary ng mangagawa sa pribadong sektor.

Umaabot lamang sa P610 ang umiiral na  minimum wage sa National Capital Region.

Noong nakarang taon, ipinalabas ng   Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang wage orders upang itaas ang minimum wage sa mangagawa sa  Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, Central Luzon, SOCCSKSARGEN, at Central Visayas.

Nagbabala ang DOLE na baka mahirapan ang pribadong negosyo sa karagdagang P100 sa minimum wage partikular sa  kategoryang micro, small, ang medium enterprises.

Tutol din sa panukala ang ilang ekonomista sa House of na magkaroon ng legislated wage hike dahil magreresulta ito ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo at maaaring magsara ang ilang maliliit na negosyo. Ernie Reyes

Previous articleBAD NEWS SA EL NIÑO
Next articleBulkang Taal nagbuga ng abo!